Noong kabataan ko marami akong magagandang alaala.Mga alaalang nagpapatunay na kay ganda ng buhay.Ang aking kabataan ay hindi mawala sa aking isip,punong-puno ng saya at magagandang karanasan.Marami akong mga naging kaibigan,mga kaibigang nagkumpleto sa buhay ko.
Naalala ko noong elementarya ko palagi akong masaya,nagtapos ako ng maraming natutunan sa aking buhay.Natutunan kong lumaban sa anumang pagsubok na dumating sa buhay ko.Pero naranasan ko ring masaktan dahil sa aking kasarian pero nalampasan ko yun sa tulong at suporta ng aking pamilya,pinakita nilang kahit ano at sino pa ako mahal nila ako.At nagpapasalamat ako dahil sa kanila naging matatag ako sa pagharap sa buhay.
Hanggang sa nakarating ako ng high school,mas lalong masaya mas lalong naging marami ang magagandang karanasan.Mas lalo akong naging masipag sa aking pag-aaral,marami akong napatunayan sa aking sarili kahit minsan nasasaktan,pero ok lang kasi sa sakit tayo tumapang.Pag-nasasaktan mas lalo akong nag-pupursige na makatapos at alam ko magtatagumpay ako.Ito ang talambuhay ko.Talambuhay ng isang matapang at masipag na ako.Natuto akong magpahalaga sa buhay,na dapat pahalagahan din natin ang taong nag-mamahal at nag-bibigay sa atin ng saya.Dapat kahit anong pasubok ay labanan natin,dapat may sipag at tiyaga para maabot natin ang ating pangarap.
No comments:
Post a Comment